Dasalan at Tocsohan - Marcelo H. Del Pilar | |
Ronald Renz ...
:) just about me.. and them, and nothing else.. :)
Monday, January 9, 2012
Monday, January 2, 2012
Friday, December 30, 2011
Magkabilaan
Magkabilaan
by Joey Ayala
Repleksyon:
Sa una akala ko mababagot ako sa kanta, ang naisip ko kanta tong pang matatanda, pero nung napakinggan ko to, madaming bagay na pumasok sa utak ko, mga bagay na hindi karaniwang naiisip ng mga bata ngayon.
Sa kantang to mapapaisip ka, matatanaw mo ang dalawang side ng buhay, ang tama at mali. Sa kantang to, masasabi na ang lahat ng bagay dapat pantay, bawal ang sobra, bawal ang kulang, para ito yung blog ko, yung malayang paksa ko na blog, sa mga kabataan
ngayon madalas gusto nila makuha ang lahat, kahit
na ito ay bawal, pero bilang tao, dapat maranasan mo
ang side ng buhay na mahirap at masarap, para
maranas nila ang hirap ng buhay at sarap nito.
Madaming tao ang dapat marinig ang gantong kanta,
ng mamulat sila sa kalagayan nila ngayon,
pero alam naman natin na ang buhay na sinusundan ang
landas ng Panginoon ang magkakaroon ng buhay na maginhawa
hindi siguro sa pinansyal na istado pero maari naman na sa
relasyon mo sa pamilya o sa Panginoon.
Hayaan dapat ng tao na hayaan silang tulungan ng
mga gantong kanta, mga kanta na kung
ilalaan para sa masa at magkakaroon ng sapat na
suporta,siguradong magkakaroon ng pagbabago
hindi lang sa isang tao kung hindi sa buong
mundo.
Monday, December 26, 2011
Malayang Paksa
Mahilig talaga ako sa mga bagay, mga matryal na bagay, alam kong masama maging materyalistik, pero iyong ganda na nabubuo nya sa mga mata ko, talagang 'di ko siya maiwasang magustuhan. Bata palang ako lagi ko na hinihiram ang telepono ng daddy ko, iyong telepono na mukhang pangkayod ng yelo. Naiisip ko nga sa sarili ko baka noong pinanganak ako imbis na gatas hinihingi ko ay gadget na ata. Ngayong medyo tumanda na ako hindi nalang naman telepono ang teknolohiya, ngayon mayroon ng computer, video games at iba pa pang uri ng teknolohiya na sumisikat sa mga tao ngayon. Noong bata ako, ang mga nasa elementary, binigyan na ako ng mga magulang ko ng cellphone, pagdating ko ng grade 4, marunong na akong gumastos ng malaking pera para lang makipagtext. Pagdating ko ng grade 5 nagsimula na akong magpapalit-palit ng cellphone, mula sa Nokia, Samsung, Sony Ericson, MyPhone, Motorola, Blackberry, at kahit China phone. Lahat iyon nahawakan ko na, mula sa black and white hanggang sa mga HD at HQ na graphics. Noong tumuntong na ako ng highschool, nagsmula naman akong magkaroon ng kamera, mga music player, laptop at iba pa. Alam kong nagmumuka akong mayabang pero wala naman ako dapat ikahiya, dahl nagbago na ako nagyon pagdating sa mga ganitong mga bagay. Ang mga bagay na binibigay sa akin ng aking mga magulang, iyong iba hinihingi ko 'yong iba pinagiipunan ko, mga materyal na bagay na hindi makukuha ng lahat ng bata at para doon ay malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil natikman kong magkaroon ng mga ganoong bagay,pero ngayon, napagisip-isip kong hindi dapat ako nabubuhay na meron ng lahat ng iyon, uan dahil sa nagagawa nito sa buhay ko ula sa ugali ko hanggang sa nagagawa nito sa kalusugan ko. Napagtanto ko na sa buhay hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na mas mahalaga pa sa mga iyon ang pamilya ko, mga kaibigan, at syempre ang Panginoon, hindi ko naman masasama iyong mga iyon sa langit. Ngayon. ang pagbabago sa sarili ko ay nagsisimula na, ang makuntento sa mga bagay-bagay sa mundo, ako mismo sa sarili ko, kinokontrol ko na ito sa tulong na din ng aking pamilya, kaibigan, special someone at ang Panginoon. Alam ko makukumpleto ko rin ang pagbabago na dapat umpisa palang ay nagawa ko na. Sa pagpapakatotoo lang, nasarapan ako sa buhay ko noon, pero para sa Panginoon at sa pamilya ko kinakailangan kong magbago lalo na para sa sarili ko.
tapos... :)
tapos... :)
Paskong-Pasko Nagkasakit ako.. (pinakanakakainis na karanasan)
Dec. 21, 2011.. pagka gising ko... hindi ko naman akalaing masakit pala ang tiyan ko... e, napakain pa ko ng madami dahail na din bagong uwi ang daddy ko... ang mommy ko ay sabik na sabik magluto para sa kanya...
pagkakain namin, nakatulog ako sa kusina, mismong sa la mesa ako nakatulog, pagka gising ko, wala na kong ibang naisip kung hindi pumunta sa C.R. at simulan ang seremonyas, sa sobrang sakit ng tiyan ko, napapaiyak talaga ako.
Dec. 22-23, 2011 nagawa kong sabihin ang nararamdaman ko sa mga magulang ko, at ang paliwanag nila sa akin, baka daw ako'y may roon nang "ulcer".
Noong gabi ng 23, namilipit ako sa sakit ng tiyan, umabot ng 2 oras ang sakit, ang ginawa ko nalamang ay itulog ang nararamdaman ko at wag pansinin...
Dec. 24, 2011 nagpunta kami sa Crowne Plaza Hotel..
naunang nagpunta sa hotel ang parents ko...
para magcheck-in... habang kami ay naiwan sa Robinson... Ang tanging iniisip ko lang noon ay, ano kaya ang dapat kong gawin para hindi sumakit ang tiyan ko, habang tumatagal ang pamamasyal namin lalong sumasakit ang tiyan ko, kinumbinsi ko ang mga kapatid ko na sumunod na sa mga magulang namin sa hotel, nagulat ako sa text nang daddy ko, sa 19th floor daw sila sa room 1909, sa isip-isip ko "hindi kaya pinaglalaruan ako ng panahon ngayon?" .
Nang makapunta na kami sa room namin, medyo gumaan na ang pakiramdam ko, at noon ko lang naeenjoy ang estado namin noon.
pagbaba namin nanood kami ng Immortals, at sa mga panahon na iyon hindi ako kumain para walang umiksena na sakit, sa awa naman natapos ang movie.
Disperas ng Pasko, nagkakainan na kami, medyo wala ako gana kumain noon kaya nanood lang ako,.. nang matapos kaming kumain text at tawag para bumati ng Merry Christmas sa iba...
Umaga ng araw ng Pasko... nagising ako sa isang sakit na lagi kong nararamdaman, pinulikat na naman ako! napapasigaw ako sa sakit, dahil nadin siguro sa klima sa kwarto at dahil wala akong kinain.
Nang pauwi na kami, dumiretyo kami sa Tabang sa mga mantita ko, namasko kami at nangamusta nadin, habang sila at kumakain ako naman ay natutulog dahil nadin sa wala akong tulog dahil sa mga sakit na dumating sa akin, wala dina kong naenjoy.
Dec. 26, 2011 !!!!!!!!!!!!!!
SA DI MALAMANG DAHILAN, OKAY NA PAKIRAMDAM KO, WLANG SAKIT, ME GANA NA AKO KUMAIN, AT LAHAT LAHAT!!!
weird 'di ba?
T,T
tapos...
Wednesday, December 21, 2011
TAMAD!
tinatamad nanaman ako.... katamad gumawa ng mga gawain... nubayan... kainis... sana me magawa before magpasukan.. :(
Sunday, December 18, 2011
!!!
PARA SA MGA ENGINEERING STUDENTS (Itsetsek ko ito sa Enero 9, 2012) Sa unang araw ng
klase ibigay sa akin ang inyong blogspot address.
Assignment:
Sa inyong blog sa blogspot.com isulat ang mga sumusunod
:
1. pinakanakakainis na karanasan n'yo ngayong Christmas break 2011
2. ang inyong reflection sa kantang magkabilaan ni joey ayala
3. malayang paksa (kahit anong gusto mong ikuwento) may bgo snbi si mam
klase ibigay sa akin ang inyong blogspot address.
Assignment:
Sa inyong blog sa blogspot.com isulat ang mga sumusunod
:
1. pinakanakakainis na karanasan n'yo ngayong Christmas break 2011
2. ang inyong reflection sa kantang magkabilaan ni joey ayala
3. malayang paksa (kahit anong gusto mong ikuwento) may bgo snbi si mam
Subscribe to:
Posts (Atom)
Ang Tanda
Ang tanda nang cara- i- cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon naming Fraile sa manga bangkay naming, sa ngalan nang Salapi at nang Maputing binte, at nang Espiritung Bugaw. Siya naua.
Pagsisisi
Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagkatuo gumaga at sumalacay sa akin: pinagsisihan kong masakit sa tanang loobang dilang pag-asa lo sa iyo, ikaw nga ang berdugo ko. Panginoon ko at kaauay ko na inihihibic kong lalo sa lahat, nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling mabubuyo sa iyo: at lalayuan ko na at pangingilagan ang balanang makababacla nang loob ko sa pag-asa sa iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa ko, at nagtitica naman acong maglalathala nang dilang pagcadaya ko umaasa akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panyion at pangangalakal mo nang Cruz, sa pagulol sa akin. Siya naua.;
Ang Amain Namin
Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.
Ang Aba Guinoong Baria
Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia ang Fraile'I sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't pina higuit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Baria Ina nand Deretsos, ipanalangin mo kaming huag anitan ngayon at cami ipapatay. Siya naua.
Ang Aba Po Santa Baria
Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, ikao ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming pauis, ikaw ang pinagpaguran naming pinapanaw na tauong Anac ni Eva, ikaw nga ang ipinagbubuntonh hininga naming sa aming pagtangis dito sa bayang pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap naming para sa aming manga anak, ilingon mo sa aming ang cara- i cruz mo man lamang at saka bago matapos ang pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang iyong kalasing Santa Baria ina nang deretsos, malakas at maalam, matunog na guinto kami ipanalangin mong huag magpatuloy sa aming ang manga banta nang Fraile. Amen.
Ang Manga Utos Nang Fraile
Ang manga utos nang Fraile ay sampo: Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat. Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos. Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta. Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama't ina, Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang libing. Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua. Ang ikapito: Huag kang makinakaw. Anh ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan. Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua. Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari. Itong sampong utos nang Fraile'I dalaua ang kinaoouian. Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat. Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri mo't kayamanan. Siya naua.
Ang manga kabohongang asal, ang pangala'i tontogales ay tatlo.
Igalang mo Katakutan mo Ang Fraile At Pag Manuhan mo ..