Friday, December 30, 2011

Magkabilaan



Magkabilaan
by Joey Ayala

Repleksyon:

     Sa una akala ko mababagot ako sa kanta, ang naisip ko kanta tong pang matatanda, pero nung napakinggan ko to, madaming bagay na pumasok sa utak ko, mga bagay na hindi karaniwang naiisip ng  mga bata ngayon.

     Sa kantang to mapapaisip ka, matatanaw mo ang dalawang side ng buhay, ang tama at mali. Sa kantang to, masasabi na ang lahat ng bagay dapat pantay, bawal ang sobra, bawal ang kulang, para ito yung blog ko, yung malayang paksa ko na blog, sa mga kabataan
ngayon madalas gusto nila makuha ang lahat, kahit 
na ito ay bawal, pero bilang tao, dapat maranasan mo
ang side ng buhay na mahirap at masarap, para
maranas nila ang hirap ng buhay at sarap nito.
Madaming tao ang dapat marinig ang gantong kanta,
ng mamulat sila sa kalagayan nila ngayon,
pero alam naman natin na ang buhay na sinusundan ang
landas ng Panginoon ang magkakaroon ng buhay na maginhawa 
hindi siguro sa pinansyal na istado pero maari naman na sa
relasyon mo sa pamilya o sa Panginoon.
Hayaan dapat ng tao na hayaan silang tulungan ng
mga gantong kanta, mga kanta na kung
ilalaan para sa masa at magkakaroon ng sapat na
suporta,siguradong magkakaroon ng pagbabago
hindi lang sa isang tao kung hindi sa buong
mundo.





















No comments:

Post a Comment