Mahilig talaga ako sa mga bagay, mga matryal na bagay, alam kong masama maging materyalistik, pero iyong ganda na nabubuo nya sa mga mata ko, talagang 'di ko siya maiwasang magustuhan. Bata palang ako lagi ko na hinihiram ang telepono ng daddy ko, iyong telepono na mukhang pangkayod ng yelo. Naiisip ko nga sa sarili ko baka noong pinanganak ako imbis na gatas hinihingi ko ay gadget na ata. Ngayong medyo tumanda na ako hindi nalang naman telepono ang teknolohiya, ngayon mayroon ng computer, video games at iba pa pang uri ng teknolohiya na sumisikat sa mga tao ngayon. Noong bata ako, ang mga nasa elementary, binigyan na ako ng mga magulang ko ng cellphone, pagdating ko ng grade 4, marunong na akong gumastos ng malaking pera para lang makipagtext. Pagdating ko ng grade 5 nagsimula na akong magpapalit-palit ng cellphone, mula sa Nokia, Samsung, Sony Ericson, MyPhone, Motorola, Blackberry, at kahit China phone. Lahat iyon nahawakan ko na, mula sa black and white hanggang sa mga HD at HQ na graphics. Noong tumuntong na ako ng highschool, nagsmula naman akong magkaroon ng kamera, mga music player, laptop at iba pa. Alam kong nagmumuka akong mayabang pero wala naman ako dapat ikahiya, dahl nagbago na ako nagyon pagdating sa mga ganitong mga bagay. Ang mga bagay na binibigay sa akin ng aking mga magulang, iyong iba hinihingi ko 'yong iba pinagiipunan ko, mga materyal na bagay na hindi makukuha ng lahat ng bata at para doon ay malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil natikman kong magkaroon ng mga ganoong bagay,pero ngayon, napagisip-isip kong hindi dapat ako nabubuhay na meron ng lahat ng iyon, uan dahil sa nagagawa nito sa buhay ko ula sa ugali ko hanggang sa nagagawa nito sa kalusugan ko. Napagtanto ko na sa buhay hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na mas mahalaga pa sa mga iyon ang pamilya ko, mga kaibigan, at syempre ang Panginoon, hindi ko naman masasama iyong mga iyon sa langit. Ngayon. ang pagbabago sa sarili ko ay nagsisimula na, ang makuntento sa mga bagay-bagay sa mundo, ako mismo sa sarili ko, kinokontrol ko na ito sa tulong na din ng aking pamilya, kaibigan, special someone at ang Panginoon. Alam ko makukumpleto ko rin ang pagbabago na dapat umpisa palang ay nagawa ko na. Sa pagpapakatotoo lang, nasarapan ako sa buhay ko noon, pero para sa Panginoon at sa pamilya ko kinakailangan kong magbago lalo na para sa sarili ko.
tapos... :)
No comments:
Post a Comment