Friday, December 30, 2011

Magkabilaan



Magkabilaan
by Joey Ayala

Repleksyon:

     Sa una akala ko mababagot ako sa kanta, ang naisip ko kanta tong pang matatanda, pero nung napakinggan ko to, madaming bagay na pumasok sa utak ko, mga bagay na hindi karaniwang naiisip ng  mga bata ngayon.

     Sa kantang to mapapaisip ka, matatanaw mo ang dalawang side ng buhay, ang tama at mali. Sa kantang to, masasabi na ang lahat ng bagay dapat pantay, bawal ang sobra, bawal ang kulang, para ito yung blog ko, yung malayang paksa ko na blog, sa mga kabataan
ngayon madalas gusto nila makuha ang lahat, kahit 
na ito ay bawal, pero bilang tao, dapat maranasan mo
ang side ng buhay na mahirap at masarap, para
maranas nila ang hirap ng buhay at sarap nito.
Madaming tao ang dapat marinig ang gantong kanta,
ng mamulat sila sa kalagayan nila ngayon,
pero alam naman natin na ang buhay na sinusundan ang
landas ng Panginoon ang magkakaroon ng buhay na maginhawa 
hindi siguro sa pinansyal na istado pero maari naman na sa
relasyon mo sa pamilya o sa Panginoon.
Hayaan dapat ng tao na hayaan silang tulungan ng
mga gantong kanta, mga kanta na kung
ilalaan para sa masa at magkakaroon ng sapat na
suporta,siguradong magkakaroon ng pagbabago
hindi lang sa isang tao kung hindi sa buong
mundo.





















Monday, December 26, 2011

Malayang Paksa

Mahilig talaga ako sa mga bagay, mga matryal na bagay, alam kong masama maging materyalistik, pero iyong ganda na nabubuo nya sa mga mata ko, talagang 'di ko siya maiwasang  magustuhan. Bata palang ako lagi ko na hinihiram ang telepono ng daddy ko, iyong telepono na mukhang pangkayod ng yelo. Naiisip ko nga sa sarili ko baka noong pinanganak ako imbis na gatas hinihingi ko ay gadget na ata. Ngayong medyo tumanda na ako hindi nalang naman telepono ang teknolohiya, ngayon mayroon ng computer, video games at iba pa pang uri ng teknolohiya na sumisikat sa mga tao ngayon. Noong bata ako, ang mga nasa elementary, binigyan na ako ng mga magulang ko ng cellphone, pagdating ko ng grade 4, marunong na akong gumastos ng malaking pera para lang makipagtext. Pagdating ko ng grade 5 nagsimula na akong magpapalit-palit ng cellphone, mula sa Nokia, Samsung, Sony Ericson, MyPhone, Motorola, Blackberry, at kahit China phone. Lahat iyon nahawakan ko na, mula sa black and white hanggang sa mga HD at HQ na graphics. Noong tumuntong na ako ng highschool, nagsmula naman akong magkaroon ng kamera, mga music player, laptop at iba pa. Alam kong nagmumuka akong mayabang pero wala naman ako dapat ikahiya, dahl nagbago na ako nagyon pagdating sa mga ganitong mga bagay. Ang mga bagay na binibigay sa akin ng aking mga magulang, iyong iba hinihingi ko 'yong iba pinagiipunan ko, mga materyal na bagay na hindi makukuha ng lahat ng bata at para doon ay malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil natikman kong magkaroon ng mga ganoong bagay,pero ngayon, napagisip-isip kong hindi dapat ako nabubuhay na meron ng lahat ng iyon, uan dahil sa nagagawa nito sa buhay ko ula sa ugali ko hanggang sa nagagawa nito sa kalusugan ko. Napagtanto ko na sa buhay hindi mahalaga ang mga materyal na bagay na mas mahalaga pa sa mga iyon ang pamilya ko, mga kaibigan, at syempre ang Panginoon, hindi ko naman masasama iyong mga iyon sa langit. Ngayon. ang pagbabago sa sarili ko ay nagsisimula na, ang makuntento sa mga bagay-bagay sa mundo, ako mismo sa sarili ko, kinokontrol ko na ito sa tulong na din ng aking pamilya, kaibigan, special someone at ang Panginoon. Alam ko makukumpleto ko rin ang pagbabago na dapat umpisa palang ay nagawa ko na. Sa pagpapakatotoo lang, nasarapan ako sa buhay ko noon, pero para sa Panginoon at sa pamilya ko kinakailangan kong magbago lalo na para sa sarili ko.

tapos... :)

Paskong-Pasko Nagkasakit ako.. (pinakanakakainis na karanasan)

Dec. 21, 2011.. pagka gising ko... hindi ko naman akalaing masakit pala ang tiyan ko... e, napakain pa ko ng madami dahail na din bagong uwi ang daddy ko... ang mommy ko ay sabik na sabik magluto para sa kanya...

pagkakain namin, nakatulog ako sa kusina, mismong sa la mesa ako nakatulog, pagka gising ko, wala na kong ibang naisip kung hindi pumunta sa C.R. at simulan ang seremonyas, sa sobrang sakit ng tiyan ko, napapaiyak talaga ako.
Dec. 22-23, 2011 nagawa kong sabihin ang nararamdaman ko sa mga magulang ko, at ang paliwanag nila sa akin, baka daw ako'y may roon nang "ulcer".
Noong gabi ng 23, namilipit ako sa sakit ng tiyan, umabot ng 2 oras ang sakit, ang ginawa ko nalamang ay itulog ang nararamdaman ko at wag pansinin...
Dec. 24, 2011 nagpunta kami sa Crowne Plaza Hotel..
naunang nagpunta sa hotel ang parents ko... 

para magcheck-in... habang kami ay naiwan sa Robinson... Ang tanging iniisip ko lang noon ay, ano kaya ang dapat kong gawin para hindi sumakit ang tiyan ko, habang tumatagal ang pamamasyal namin lalong sumasakit ang tiyan ko, kinumbinsi ko ang mga kapatid ko na sumunod na sa mga magulang namin sa hotel, nagulat ako sa text nang daddy ko, sa 19th floor daw sila sa room 1909, sa isip-isip ko "hindi kaya pinaglalaruan ako ng panahon ngayon?" .
Nang makapunta na kami sa room namin, medyo gumaan na ang pakiramdam ko, at noon ko lang naeenjoy ang estado namin noon.
pagbaba namin nanood kami ng Immortals, at sa mga panahon na iyon hindi ako kumain para walang umiksena na sakit, sa awa naman natapos ang movie.

Disperas ng Pasko, nagkakainan na kami, medyo wala ako gana kumain noon kaya nanood lang ako,.. nang matapos kaming kumain text at tawag para bumati ng Merry Christmas sa iba... 
Umaga ng araw ng Pasko... nagising ako sa isang sakit na lagi kong nararamdaman, pinulikat na naman ako! napapasigaw ako sa sakit, dahil nadin siguro sa klima sa kwarto at dahil wala akong kinain.
Nang pauwi na kami, dumiretyo kami sa Tabang sa mga mantita ko, namasko kami at nangamusta nadin, habang sila at kumakain ako naman ay natutulog dahil nadin sa wala akong tulog dahil sa mga sakit na dumating sa akin, wala dina kong naenjoy.
Dec. 26, 2011 !!!!!!!!!!!!!!


SA DI MALAMANG DAHILAN, OKAY NA PAKIRAMDAM KO, WLANG SAKIT, ME GANA NA AKO KUMAIN, AT LAHAT LAHAT!!!
weird 'di ba?
T,T
tapos...

Wednesday, December 21, 2011

TAMAD!

tinatamad nanaman ako.... katamad gumawa ng mga gawain... nubayan... kainis... sana me magawa before magpasukan.. :(

Sunday, December 18, 2011

!!!

PARA SA MGA ENGINEERING STUDENTS (Itsetsek ko ito sa Enero 9, 2012) Sa unang araw ng 


klase ibigay sa akin ang inyong blogspot address.

Assignment:



Sa inyong blog sa blogspot.com isulat ang mga sumusunod
:
1. pinakanakakainis na karanasan n'yo ngayong Christmas b
reak 2011


2. ang inyong reflection sa kantang magkabilaan ni joey ayala

3. malayang paksa (kahit anong gusto mong ikuwento) may bgo snbi si mam

Tuesday, December 13, 2011

Monday, December 12, 2011

NYE! bakit SOLID? bakit?

BAKIT PATI SOLID NAKISALI NADIN!! :( HINDI LANG NAMAN PAGAARAL GINAGAWA NG BATA!

Saturday, December 10, 2011

!

bakit ang dami ginawa sa filipino? at ang magara dito, filipino lang me ganon? ahahahah